Monday, July 18, 2016

Mga Tula

MGA TULA

Ako ay Pilipino
ng Mga Anak ni Rizal (MAR)

Ako ay Pilipino
Ipinanganak na may talino
Na maipapamahagi ko
Para sa kapakanan ng mundo

Ako ay Pilipino
Isinasabuhay ko ang kultura ko
Hindi ko ikakahiya ito
Kahit saan man ako magtungo

Ako ay Pilipino
Ipaglalaban ko ang katarungan ko
Karapatan ko at ng lahat ng kalahi ko
Na matanggap ang nararapat na respeto

Ako ay Pilipino
Mahal ko ang bayan ko
Hinding hindi ko isusuko
Ang pagiging isang Pilipino

~*~*~*~*~*~

Pilipinas kong Minamahal
ng Mga Anak ni Rizal (MAR)

Ako'y Pilipino
Pilipinong totoo
Aking dugo at pawis iaalay ko Para sa bansang iniirog Aking itsura, aking ipinagmamalaki Ako'y di tulad ng iba Pagkat sa Pilipinas nanggaling Bansang ito'y labis na mamahalin

~*~*~*~*~*~

Bayang Sinilangan
ng Mga Anak ni Rizal (MAR)

Ako ay Pilipino
Buong pusong minamahal ang aking sariling bayan
Paggalang at pagrespeto ay aking ihahandog
Para sa bayang aking sinilangan

Taglay nitong yaman ay hindi ko sasayangin
Pulu-pulong lupang lumulutang sa dagat
At mga bundok na natataniman ng mga halaman
Ay sapat lamang para sa ating pangangailangan

Kaya ating pangalagaan Bayan kung saan tayo nagsimula Dahil tanging hangad lang naman ng ating bayan ay respetuhin at igalang ng lahat

~*~*~*~*~*~

Hinaing ng Naiwanang Kultura ng Mga Anak ni Rizal (MAR) Gusto kong bumalik. Gusto kong bumalik sa mga panahong mahal mo pa ako, Sa mga panahong ikaw ay nangangako. Nangangakong walang magbabago. Gusto kong maramdaman mo kung gaano ka kahalaga. Kung gaano kita binibigyan ng importansya Gusto kong ipaalam sayo kung gaano kita kamahal Dahil, mahal, kung tutuusin wala nang mas hihigit pa. Sana maulit muli, Kung sana ay ganun lang kadaling ibalik. Ibalik ang lahat, bawiin ang mga pagkakamali Nang sa ganon ay mawakasan na ang aking pagsisisi.

~*~*~*~*~*~

Kakayahan ng Pilipino ng Mga Anak ni Rizal (MAR)

Ang pagiging Pilipino ko Ay parang hangin sa probinsya, sinasariwa ko, Kasi ito'y hindi ordinaryo. Kasi ito'y kakaiba kumpara sa ibang lahi sa mundo. Ang pagkakaisa, At pagkakawanggawa Ang dalawang dahilan kung bakit sumasaya ang ating bansa. Ang dahilan kung bakit tumatatak tayo sa mga turista. Ang pagiging masiyahin Ay ating natural na katangian. Sa panahon man ng trahedya, Tayo'y nakangiti parin habang nagtutulungan. Ang pagiging maka-relihiyon, Pagbuo ng matibay na pamilya, At pagpapatuloy ng ating mga tradisyon, Ang nagpapataas ng kalidad ng pagiging Pilipino.

~*~*~*~*~*~

Tayo ay mga Pilipino
ng Mga Anak ni Rizal (MAR)

Tayo ay mga Pilipino Ating mahalin ang ating bansa ng buong puso Pagkapilipino'y ating ipamalas Sa simpleng pagsunod sa batas Kami ay mga Pilipino Buong katapatang nangangako Na mamahalin ang lupang sinilangan Maging ang buhay ay kapalit man

~*~*~*~*~*~

Bayan Ko, Mahal Ko
ng Mga Anak ni Rizal (MAR)


Kapayapaan sa bayan ko
Nais ko para rito
Bayang walang kasamaan, kaguluhan
Tanging kabutihan lamang ang makakamtan

Pagmamahal sa bayan ko
Ipinapakita ko araw-gabi
Hinding hindi ako magpapaloko
Hanggang sa aking labi